Mayroong isang error sa gadget na ito.

Lunes, Agosto 1, 2011

Luha sa Isang Bisig

Luha sa Isang Bisig

<><><><><>  <><><>
Unang araw na ika'y nagisnan
tuwa't galak ang aking naramdaman
siyam na buwan kitang inalagaan
sa aking sinapupunan
Masaya ako't ika'y kapiling na
sa kabila ng katotohanang
ikaw at ako lamang ang magsasama
sa hirap, tuwa, sakit at ginhawa
Ngunit ano itong aking nararamdaman
Takot ang sa aki'y nananahan
paano kung di magampanan
Ama't ina sa iyo'y kinabukasan
Aking hiling sa Maykapal
Anghel ko'y patnubayan, habang ako'y wala
Upang sa aking pag-uwi
Ngiti at yakap mo ang aking datnan



Bilang pagtugon sa pakontest ni Iya_khin