MAHA-RUTH
Miyerkules, Hunyo 6, 2012
KM3: Tinig ng isang Maharuth......
Ako’y naniniwala na ang tinig ng isang simpleng Pilipinong katulad ko ay napakahalaga ngunit pano nga ba isasatinig ng isang ordinaryong Pilipinong katulad ko ang kanyang mga hinaing sa kanyang lipunan kung ang aking tinig ay isa lamang parang bulong sa kanilang pandinig,hinde lamang ang aking tinig ang mahalaga kundi ang nakararaming Pilipino na ngayon ay nananaghoy at humihiyaw dahil sa sakit ng ating lipunan, Ano-ano nga ba ang mga isinasatinig ng ating mga kapuwa Pilipino? Una na diyan ang KAHIRAPAN, bakit sa hinaba – haba ng termino ng bawat pangulo sa Pilipinas ay hinde parin malunasan ang krisis ng kahirapan, ano nga ba ang karampatang solusyon para dito, ikalawa ang KATIWALIAN sa gobyerno, pano nga ba ito mawawala? Isa itong dahilan kung bakit maraming Pilipino ang naghihirap,. Ikatlo ang KAPAYAPAAN, bakit walang katahimikan ang bansa nating Pilipinas, para tuloy naisip ko na sana may MARTIAL LAW nalang uli baka sakaling bumalik ang katiwasayan ng ating bansa, mas mainam naman na wala nang patayan at kung ano- ano mang karumaldumal na krimen sa ating bansa.Bakit hinde na lang sila magsama-sama para sa ikauunlad nang ating bansa. At ang ika-apat bakit hinde mawala sa ating bansa ang salitang CRAB MENTALITY, ang aking pananaw sa buhay ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat ngunit madami paring Pilipino ang sakim sa tagumpay, pano nga naman ba tayo aasenso kung ganyan ang kaugalian ng bawat isa.
Wala naman ibang tutulong at makikinig talaga sa ating mga munting TINIG kundi ang MAYKAPAL na laging nandiyan para tayu ay damayan sa lahat ng oras at panahon nang ating kagipitan. Kung kaya sana ay wag mawala ang ating pananampalataya at paniniwala sa KANYA.
Hanggang kelan kaya mananatiling bulong ang sinisigaw na munting tinig nang ating mga kababayan? Hanggang kelan magiging bingi sa mga tinig na kanilang naririnig ang mga nanunungkulan sa ating lipunan? Hanggang kelan mag bubulag-bulagan ang ating mga kababayan sa mga nangyayari sa ating paligid? Hanggang kelan magiging pipi ang mga taong nasa posisyon para isiwalat ang mga taong nagnanakaw nang ating kaban?
Ito ay isang lahok para sa tanyag na si Kulisap.
Lunes, Oktubre 3, 2011
Kwarta o Saya????
(SIERRA MADRE - sa Pilipinas yown)
Walang hihigit sa SALAPI sa masayang GALA na may NGITI.
Ito ay isang pagtangkilik sa kaibigang si Bulakbolero
Lunes, Agosto 1, 2011
Luha sa Isang Bisig
Luha sa Isang Bisig
Unang araw na ika'y nagisnan |
tuwa't galak ang aking naramdaman |
siyam na buwan kitang inalagaan |
sa aking sinapupunan |
Masaya ako't ika'y kapiling na |
sa kabila ng katotohanang |
ikaw at ako lamang ang magsasama |
sa hirap, tuwa, sakit at ginhawa |
Ngunit ano itong aking nararamdaman |
Takot ang sa aki'y nananahan |
paano kung di magampanan |
Ama't ina sa iyo'y kinabukasan |
Aking hiling sa Maykapal |
Anghel ko'y patnubayan, habang ako'y wala |
Upang sa aking pag-uwi |
Ngiti at yakap mo ang aking datnan |
Bilang pagtugon sa pakontest ni Iya_khin
Mga etiketa:
luha,
pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak,
pangangamba,
tula
Huwebes, Hunyo 23, 2011
Para kanino ka gumigising?...
Sa 27 taong pamumuhay ko lagi ko nasasabi na salamat sa panibag0ng umaga ko :) |
Una dahil paggising ko ay buhay pa ako, pangalawa dahil makikita ko na buo pa ang pamilya ko sa kabila nang patong patong na problema na aming inaakibat at ..... |
pangatlo dahil may mga taong umaasa sakin kaya kailangan ko pa ang bukas at mga susunod pang bukas. |
Hay's sa umagang to ang iniisp ko ay kung pano ba ko makakabenta ng sigarilyo kung madaming taong humahadlang sa aking propesyon gaya na lamang nang batas na bawal na sa public place ang paninigarilyo (effective July 1, 2011) sa madaling salita san ako pupwesto sa pribadong lugar din ba tulad ng ano ( sa loob ng otel, sa loob ng opisina at iba pa) eh bawal din dun eh...hays paano na ko nito.???? eto nalang ang aking kinabubuhay.... |
Saan na ko pupulutin nito…. saan na mapupunta ang mga TAKATAK BOYS AND TAKATAK GIRL ( ako lang kasi kaya GIRL lang). Hinde ko alam kung tama ba tong mga pinagsasabi ko sa BLOG na ito pero isa lang ang alam ko ang maglabas ng saloobin ay pwede mo palang magawa sa BLOG. Sa muling pagtunog ng…… TAKATAK….TAKATAK….TAKATAK…. Ikaw para kanino ka bumabangon?.......................(NESCAFE) MAHA-RUTH |
Miyerkules, Hunyo 22, 2011
TAKATAK TALAK
dahil wala akong maisip na masulat sa lecheng blog na to, ako ay humihinge ng tulong sa inyo kung ano pa ang dapat kong gawin? San ba ko magsisimula ( eh sa hnde ko alam kung paano eh). kasalanan mo to JKULISAP pinilit mo lang ako mag-gawa ng blog nanahimik akong nagbebenta ng yosi at kendi sa kanto napadaan ka dun at akoy inurirat mo sa blog na ito at ako'y iyong pinilit na gumawa ng sarili kong blog.
May dating ba ang love team na NOMADS kesa sa MA-MAO?
Masama ba ang magyosi? Ano ba ang lasa nito? Nagtataka lang kasi ako kung bakit madami ang may gusto nito sa kabila ng naiiwang amoy nito sa balat ng tao.
Mao, kung isa kang YOSI anong brand ka?....
Makitakatak na.....
Maharuth...
May dating ba ang love team na NOMADS kesa sa MA-MAO?
Masama ba ang magyosi? Ano ba ang lasa nito? Nagtataka lang kasi ako kung bakit madami ang may gusto nito sa kabila ng naiiwang amoy nito sa balat ng tao.
Mao, kung isa kang YOSI anong brand ka?....
Makitakatak na.....
Maharuth...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)