Mayroong isang error sa gadget na ito.

Huwebes, Hunyo 23, 2011

Para kanino ka gumigising?...

Sa 27 taong pamumuhay ko lagi ko
                                     nasasabi na salamat
sa panibag0ng umaga ko :)

Una dahil paggising ko ay buhay pa ako,

pangalawa dahil makikita ko na buo pa ang pamilya
ko sa kabila nang patong patong na problema
na aming inaakibat at .....

pangatlo dahil may mga taong umaasa
sakin kaya kailangan ko pa ang bukas
 at mga susunod pang bukas.
Hay's sa umagang to ang iniisp ko ay kung pano
ba ko makakabenta ng sigarilyo kung madaming taong
humahadlang sa aking propesyon gaya na lamang nang
batas na bawal na sa public place ang paninigarilyo
(effective July 1, 2011) sa madaling salita san ako
pupwesto sa pribadong lugar din ba tulad ng ano
( sa loob ng otel, sa loob ng opisina at iba pa)
eh bawal din dun eh...hays paano na ko nito.????
eto nalang ang aking kinabubuhay....
Saan na ko pupulutin nito….
saan na mapupunta ang mga
TAKATAK BOYS AND TAKATAK GIRL
( ako lang kasi kaya GIRL lang).

Hinde ko alam kung tama ba tong mga
pinagsasabi ko sa BLOG na ito pero
isa lang ang alam ko ang maglabas ng saloobin
ay pwede mo palang magawa sa BLOG.

Sa muling pagtunog ng……


TAKATAK….TAKATAK….TAKATAK….

Ikaw para kanino ka bumabangon?.......................(NESCAFE)



MAHA-RUTH

7 komento:

  1. Naitanong na dati sa isang forum ang ganitong tanong at ang sagot ko eh simple.

    Bumabangon ako para sa taong may-ari nung hinihigaan ko dahil nakikihiga lang ako.

    Keep on Bloggin' baby! \m/

    TumugonBurahin
  2. para kanino ako gumiging, yung totoo kay God at sa pamilya.

    seryoso yan.

    be blessed mam!

    TumugonBurahin
  3. Gumigising ako para patuloy na i-enjoy ang buhay at para na rin sa mga mahal ko sa buhay :)

    Hi Maha!

    TumugonBurahin
  4. Maha gumigising ako at bumabangon para mag-cr hehehe... joke lang sis ;) ( of course gumigising ako para harapin ang panibagong araw at panibagong hamon ng buhay...

    TumugonBurahin
  5. para sa pamilya ko :)

    welcome sa blogworld maharuth

    TumugonBurahin
  6. totoo pala si maha-ruth, akala ko guni-guni lamaang ni Jakulisap!.

    hindi ko pa alam para kanino ako bumabangon....

    TumugonBurahin