Mayroong isang error sa gadget na ito.

Miyerkules, Hunyo 6, 2012

KM3: Tinig ng isang Maharuth......




Ako’y naniniwala na ang tinig ng isang simpleng Pilipinong katulad ko ay napakahalaga ngunit pano nga ba isasatinig ng isang ordinaryong Pilipinong katulad ko ang kanyang mga hinaing sa kanyang lipunan kung ang aking tinig ay isa lamang parang bulong sa kanilang pandinig,hinde lamang ang aking tinig ang mahalaga kundi ang nakararaming Pilipino na ngayon ay nananaghoy at humihiyaw dahil sa sakit ng ating lipunan, Ano-ano nga ba ang mga isinasatinig ng ating mga kapuwa Pilipino? Una na diyan ang KAHIRAPAN, bakit sa hinaba – haba ng termino ng bawat pangulo sa Pilipinas ay hinde parin malunasan ang krisis ng kahirapan, ano nga ba ang karampatang solusyon para dito, ikalawa ang KATIWALIAN sa gobyerno, pano nga ba ito mawawala? Isa itong dahilan kung bakit maraming Pilipino ang naghihirap,. Ikatlo ang KAPAYAPAAN, bakit walang katahimikan ang bansa nating Pilipinas, para tuloy naisip ko na sana may MARTIAL LAW nalang uli baka sakaling bumalik ang katiwasayan ng ating bansa, mas mainam naman na wala nang patayan at kung ano- ano mang karumaldumal na krimen sa ating bansa.Bakit hinde na lang sila magsama-sama para sa ikauunlad nang ating bansa. At ang ika-apat bakit hinde mawala sa ating bansa ang salitang CRAB MENTALITY, ang aking pananaw sa buhay ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat ngunit madami paring Pilipino ang sakim sa tagumpay, pano nga naman ba tayo aasenso kung ganyan ang kaugalian ng bawat isa.

Wala naman ibang tutulong at makikinig talaga sa ating mga munting TINIG kundi ang MAYKAPAL na laging nandiyan para tayu ay damayan sa lahat ng oras at panahon nang ating kagipitan. Kung kaya sana ay wag mawala ang ating pananampalataya at paniniwala sa KANYA.

Hanggang kelan kaya mananatiling bulong ang sinisigaw na munting tinig nang ating mga kababayan? Hanggang kelan magiging bingi sa mga tinig na kanilang naririnig ang mga nanunungkulan sa ating lipunan? Hanggang kelan mag bubulag-bulagan ang ating mga kababayan sa mga nangyayari sa ating paligid? Hanggang kelan magiging pipi ang mga taong nasa posisyon para isiwalat ang mga taong nagnanakaw nang ating kaban?



Ito ay isang lahok para sa tanyag na si Kulisap.

6 (na) komento:

  1. naisip ko ang mga rally sa daan. upang maiparating lang ang mga hinaing, kailangang pang maging sagabal sa trapiko.

    may nakikinig ba? meron siguro pero hindi naman nila nauunawaan.

    gudlak po. para sa kamalayang malaya :)

    TumugonBurahin
  2. Napakahusay ng pagkakasulat maharuth! goodluck!

    TumugonBurahin
  3. goodluck maha!

    di ko maintinhan ang sarili ko kapag nakakakita ako ng rally.

    pakiramdam ko walang naidudulot na mabuti.

    uu inilalaban ang kanilang hinaing.

    tama kaya na sa ganun paraan?
    opinyon ko lamang...

    goodluck maharuth!

    TumugonBurahin
  4. panahon na siguro para marinig ang tining ng bawat pilipino.

    goodluck po :)

    TumugonBurahin
  5. matapang ang tinig mo ateng!

    Goodluck po :)

    TumugonBurahin
  6. Nakasanayan na natin ang sumigaw ng ating tinig. Tinig na humihingi ng tulong at awa sa mga namumuno, subalit aking napagtanto na kapag hindi rin tayo kikilos bilang mamamayan ay hindi natin makakamtan ang TINIG na ninanais nating maganap. Hindi kayang isatinig ng isang namumuno ang nais niya kung walang suporta sa kaniyang adhikain.
    Hindi naman natin kailangang magkaroon ng posisyon sa isang pamahalaan upang magkasilbi ang TINIG natin. Napakasimple ng lahat, magkusa tayong maging TINIG na maririnig ng iba.

    May magbabago dahil tayo ang gagawa nito para sa atin at sa ibang kapuwa Pilipino.

    Maraming salamat sa pakikilahok sa KM3.

    TumugonBurahin