Luha sa Isang Bisig
Unang araw na ika'y nagisnan |
tuwa't galak ang aking naramdaman |
siyam na buwan kitang inalagaan |
sa aking sinapupunan |
Masaya ako't ika'y kapiling na |
sa kabila ng katotohanang |
ikaw at ako lamang ang magsasama |
sa hirap, tuwa, sakit at ginhawa |
Ngunit ano itong aking nararamdaman |
Takot ang sa aki'y nananahan |
paano kung di magampanan |
Ama't ina sa iyo'y kinabukasan |
Aking hiling sa Maykapal |
Anghel ko'y patnubayan, habang ako'y wala |
Upang sa aking pag-uwi |
Ngiti at yakap mo ang aking datnan |
Bilang pagtugon sa pakontest ni Iya_khin
Makabagbag damdaming luha ng isang ina para sa kaniyang anak.
TumugonBurahinPara sa kinabukasang aandap-andap pero nasisiguro kong sa iyo'y ligtas na maitatawid ang pangarap mong iyan para sa iyong anghel.
Simple pero tagusan sa laman ang tula mo Maha.
Natutuwa ako.
salamat kuli at iyong nabasa ang aking tula, ikaw ay isang inspirasyon.
TumugonBurahinsalamat sa iyong pagsali...nakakaiyak naman ang iyong tula..oo simple pero tagos sa puso..para sa mga ulirang ina at single moms mabuhay sila! nawa'y patnubayan sila at ang kanilang mga supling.
TumugonBurahinHello Maha...Lub U Maha! Kilala mo ba ako? LOL
TumugonBurahinGanda ng tula mo, tula ng isang butihing ina!
test ink...
TumugonBurahinAmmf...kailangan talaga may test ink!
TumugonBurahinayos yan gurl tumutula habang tumatakatak :)
tunay na ulirang ina ang laman ng tula........salamat at sumali ka rin sa contest..
TumugonBurahinang ganda mam maha isa itong makabuluhang tula ng pag-ibig ng isang ina, maging sa pangkalahatan.
TumugonBurahin=)
be blessed!
Madamdamin ang galing sa kaibuturan ng puso ng isang dakilang ina!
TumugonBurahingaling lha ng isang ina para sa anak.. ^_^
TumugonBurahinnakakarelate ako sa tulang eto, luha ng isang ina... galing nman!
TumugonBurahin