Lunes, Agosto 1, 2011

Luha sa Isang Bisig

Luha sa Isang Bisig

<><><><><>  <><><>
Unang araw na ika'y nagisnan
tuwa't galak ang aking naramdaman
siyam na buwan kitang inalagaan
sa aking sinapupunan
Masaya ako't ika'y kapiling na
sa kabila ng katotohanang
ikaw at ako lamang ang magsasama
sa hirap, tuwa, sakit at ginhawa
Ngunit ano itong aking nararamdaman
Takot ang sa aki'y nananahan
paano kung di magampanan
Ama't ina sa iyo'y kinabukasan
Aking hiling sa Maykapal
Anghel ko'y patnubayan, habang ako'y wala
Upang sa aking pag-uwi
Ngiti at yakap mo ang aking datnan



Bilang pagtugon sa pakontest ni Iya_khin

11 komento:

  1. Makabagbag damdaming luha ng isang ina para sa kaniyang anak.
    Para sa kinabukasang aandap-andap pero nasisiguro kong sa iyo'y ligtas na maitatawid ang pangarap mong iyan para sa iyong anghel.

    Simple pero tagusan sa laman ang tula mo Maha.

    Natutuwa ako.

    TumugonBurahin
  2. salamat kuli at iyong nabasa ang aking tula, ikaw ay isang inspirasyon.

    TumugonBurahin
  3. salamat sa iyong pagsali...nakakaiyak naman ang iyong tula..oo simple pero tagos sa puso..para sa mga ulirang ina at single moms mabuhay sila! nawa'y patnubayan sila at ang kanilang mga supling.

    TumugonBurahin
  4. Hello Maha...Lub U Maha! Kilala mo ba ako? LOL

    Ganda ng tula mo, tula ng isang butihing ina!

    TumugonBurahin
  5. Ammf...kailangan talaga may test ink!
    ayos yan gurl tumutula habang tumatakatak :)

    TumugonBurahin
  6. tunay na ulirang ina ang laman ng tula........salamat at sumali ka rin sa contest..

    TumugonBurahin
  7. ang ganda mam maha isa itong makabuluhang tula ng pag-ibig ng isang ina, maging sa pangkalahatan.
    =)
    be blessed!

    TumugonBurahin
  8. Madamdamin ang galing sa kaibuturan ng puso ng isang dakilang ina!

    TumugonBurahin
  9. galing lha ng isang ina para sa anak.. ^_^

    TumugonBurahin
  10. nakakarelate ako sa tulang eto, luha ng isang ina... galing nman!

    TumugonBurahin