Luha sa Isang Bisig
| Unang araw na ika'y nagisnan |
| tuwa't galak ang aking naramdaman |
| siyam na buwan kitang inalagaan |
| sa aking sinapupunan |
| Masaya ako't ika'y kapiling na |
| sa kabila ng katotohanang |
| ikaw at ako lamang ang magsasama |
| sa hirap, tuwa, sakit at ginhawa |
| Ngunit ano itong aking nararamdaman |
| Takot ang sa aki'y nananahan |
| paano kung di magampanan |
| Ama't ina sa iyo'y kinabukasan |
| Aking hiling sa Maykapal |
| Anghel ko'y patnubayan, habang ako'y wala |
| Upang sa aking pag-uwi |
| Ngiti at yakap mo ang aking datnan | <><><> >>>
Bilang pagtugon sa pakontest ni Iya_khin